-- Advertisements --

Nagbuga ng makapal na abo ang Mount Sinabung ng Indonesia.

Ayon sa mga otoridad ng Indonesia na umabot sa 2,800 meter ang taas ng nasabing abo.

Hindi naman nagsagawa ng paglilikas ang mga otoridad sa mga residenteng naninirahang malapit sa lugar.

Pinayuhan ng mga otoridad na huwag magtungo sa five-kilometer radius sa palibot ng crater.

Huling naging aktibo ito noong 2010 na ikinasawi ng dalawang biktima.