-- Advertisements --

Itinalaga bilang bagong chairman at CEO ng Film Development Council of the Philippines ang director na si Joey Reyes.

Si Reyes na technical consultant ng FDCP ay ipinalit sa actor na si Tirso Cruz III na nagbitiw sa nasabing posisyon noong Marso 13, 2024.

Sinabi ni executive director ng Film Philippine Office na si Joierie Pacumo na bagamat wala pang opisyal na papeles ay napiling ipinalit si Reyes.

Tanging ang MalacaƱang lamang ang pormal umano na mag-aanunsiyo sa pagtatalaga kay Reyes.

Aminado ang batikang director na malaking responsibilidad ang nasabing trabaho subalit titiyakin niya na gagampanan niya ito ng mabuti.