Hindi inalintana ng movie goers at fans ang maulang panahon sa Metro Manila para mapanood lamang ang pelikula ng kanilang ng idolo.
Ang Metro Manila Film Festival (MMFF) kasi ay nag-aalok ng iba’t ibang genre tulad ng aksyon, comedy, drama, fantasy, horror, musical, romance, at thriller.
Ang festival ay nagmula ngayong araw at tatagal hanggang Enero 7, 2025.
Kasabay ito ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng MMFF na may temang “Sinesigla sa Singkwenta.”
Hinimok ni MMDA acting chairman at MMFF chair Don Artes ang lahat na suportahan at itaguyod ang lokal na industriya ng pelikula.
Ang Gabi ng Parangal ay gaganapin sa Disyembre 27.
Ang MMFF ay itinatag noong 1975 upang isulong ang sining ng pelikulang Pilipino.
Narito ang 10 opisyal na pelikulang kalahok sa MMFF 2024:
AND THE BREADWINNER IS… – family comedy-drama
ESPANTAHO – horror film
GREEN BONES – morality drama
HOLD ME CLOSE – romantic fantasy
ISANG HIMALA – musical film
THE KINGDOM – action-adventure
MY FUTURE YOU – romance film
STRANGE FREQUENCIES: TAIWAN KILLER HOSPITAL – found-footage horror
TOPAKK – action thriller
UNINVITED – revenge thriller