-- Advertisements --
Tinanggalan ang dating movie producer na si Harvey Weinstein ng kaniyang appointment bilang Commander of the Order of the British Empire.
Kasunod ito ng kasong rape at sexual assault na kaniyang kinakaharap.
Ang desisyon ay isinagawa matapos ang pagpupulong ng Honours Forfeiture Committee.
Iginawad kay Weinstein ang pagkilala noong 2004 dahil sa mga natatanggap nitong papuri mula sa British Film Institute noong 2002.
Magugunitang noong Marso ay hinatulan si Weinstein ng 23 taon na pagkakakulong dahil sa rekamo ng ilang mga kababaihan.