-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 si Mozambique President Filipe Nyusi at asawa nitong si Isaura.

Ayon sa pahayag ng opisina ni Nyusi na sumailalim sa rapid test ang mag-asawa at sila ay asymptomatic.

Naka-isolate na ang mag-asawa habang hinhintay pa ang resulta ng kanilang PCR test.

Sa kabuuan ay mayroong mahigit 2,000 ang namatay sa naturang bansa dahil sa COVID-19 at 192,000 na ang nagpositibo sa virus.