Target ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na simulan ang Invitational Tournament sa darating na Disyembre 11 sa Mall of Asia Arena.
Sinabi ni MPBL commissioner Kenneth Duremdes na mayroong 22 koponan ang makikibahagi sa nasabing torneo.
Dagdag pa nito na maraming mga team-owners ang sabik na makabalik muli sila sa paglalaro.
Huling ginawa ang mga laro ay nong 2019-2020 season at ito ay nahinto dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa nasabing format ay hindi na nila gagawin ang home-and-away format at sa halip ay ipapatupad ang closed circuit system para maiwasan ang pagkakahawa ng COVID-19.
Hahatiin sa apat na grupo ang 22 koponan at isasagawa ang single round-robin format at ang dalawang koponan sa bawat grupo ay abanse na sa knockout quarterfinals.