LEGAZPI CITY – Nagpaliwanag ang Manila Police District (MPD) sa pagpalaya ng apat na itinuturong suspek sa pagpas Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III.
Napag-alaman na noong nakaraang linggo nang palayain ang mga ito matapos na matanggap ang release for further investigation (RFI) na ibinaba ng prosecutor.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Capt. Ana Lourence Sambajon, public information officer ng MPD, posibleng nakulangan umano ang prosecutor sa iprinesentang ebidensya.
Subalit nanindigan ang MPD na sapat at hindi naman nagkukulang sa isinasagawang imbestigasyon para sa agarang ikareresolba ng kaso.
Nangako naman ni Sambajon sa paghanap ng karagdagang ebidensya kung saan nabatid na hinihintay pa ngayon ang resulta ng ballistic examination.
Una na ring naisumite ang affidavit ng anim na testigo na nakasaksi sa pangyayari.
Umaasa si Sambajon at MPD na magiging malakas ang ebidensya laban sa mga suspek na nahaharap sa kasong murder at two-counts ng attempted murder kung lumabas na ang resulta ng mga tests.
Patuloy rin aniya ang koordinasyon ng pulisya sa pamilya Yuson kahit pansamantalang bumalik ang mga ito sa bayan ng Batuan.