-- Advertisements --

Tuloy-tuloy ang paghahanda ng Manila Police District (MPD) para masiguro ang kaligtasan ng publiko at mga deboto sa nalalapit na traslacion sa Feast of the Black Nazarene sa January 9.

Ayon kay MPD spokesperson PMaj. Philipp Ines, August pa lang nagsasagawa na sila ng inter-agency meetings at conference.

Nagkaroon na rin ng walkthrough para tingnan ang mga kalsadang iikutan ng prusisyon.

Ang traslacion ay inaasahan na dadagsain ng milyon-milyong deboto.

Nauna nang iniulat na ayon kay NCRPO director Brig. Gen. Anthony Aberin nasa 14,475 na kapulisan ang ipapakalat para matiyak ang maayos at ligtas na selibrasyon.

Ayon kay Aberin, ang security contingent ay kinabibilangan ng nasa 12,168 na police officers at nasa 2,306 na tauhan mula sa mga partner agencies.

Binigyang diin ni Aberin na mananatiling matatag ang pulisya sa kanilang misyon na tiyakin ang kaligtasan ng mga deboto ng Nazareno.