-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Tinambangan ng mga armadong kalalakihan ang dalawa katao sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang nasugatan na si Alexander Manuel habang nakaligtas si Ramil Masukat ang Municipal Planning and Development Officer ng Rajah Buayan Maguindanao Del Sur.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Noel Sermese na lulan ng isang SUV ang mga biktima sa Barangay Timbangan Shariff Aguak Maguindanao Del Sur nang bigla sila tambangan ng mga armadong grupo.

Kahit sugatan si Manuel ay nakagawa pa nitong patakbuhin ang sasakyan patungo sa ligtas na lugar.

Tumakas agad ang mga suspek nang magresponde ang mga sundalo at pulis.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Shariff Aguak PNP sa pamumuno ni Major Haron Macabanding sa pananambang sa mga biktima.