-- Advertisements --

Hinikayat ng World Health Organization ang Department of Health ng bansa na palakasin ang paglaban sa mpox.

Ayon kay a Dr. Rui Paulo de Jesus, na nitong buwan pa lamang ay mayroon ng kabuuang 24 na kaso ng mpox ang naitala.

Sa nasabing kaso ay wala namang naitalang nasawi at ang mga ito ay patuloy nagpapagaling.

Tuloy tuloy din ang ginagawang koordinasyon ng WHO sa DOH para tuluyang malabanan ang pagkalat ng nasabing virus.