Nananatiling hindi pa makontrol ang kaso ng mpox sa mga bansa sa Africa.
Ayon sa Africa Centres for Disease Control and Prevention (Africa CDC) na maaari pang tumaas ang bilang ng mga kaso sa iba’t-ibang bansa.
Nagkukumahog ang mga bansa sa Africa para tuluyang mapuksa ang nasabing virus.
Nais kasi ng mga bansa sa African region na hindi na maulit ang mahinang health care system nila noong dumaan ang COVID-19 pandemic.
Base sa kanilang talaan na lumubo ng 177 percent ang kaso at ang mga nasawi ay umarangkada ng 38.5 percent ang bilang kung ikukumpara noong nakaraang taon.
Magugunitang idineklara kamakailan ng World Health Organization ang nasabing outbreak bilang public health emergency of international concern lalo na at may bagong variant na nakita.