-- Advertisements --
Inihayag ng World Health Organization (WHO) na kayang mapigilan ang MPOX outbreaks sa Central Africa.
Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, na mangangailangan ng $135 milyon na pondo para tuluyang mapigilan ang pagkalat ng nasabing sakit.
Mahalaga ang pagkakaroon ng coordinated plan of action sa bawat bansa.
Sa mga susunod na araw ay mananawagan sila sa mga bansa para mapunan ang nasabing pondo.
Magugunitang sa mga nagdaang linggo ay nagdeklara ang WHO ng international health emergency dahil sa pagkalat ng mpox strain sa Democratic Republic of Congo at sa mga kalapit na mga bansa.