-- Advertisements --

Nagpa-alala ng mas maigting na pag-iingat ang World Health Organization (WHO) dahil sa nananatiling outbreak ng Mpox sa Democratic Republic of the Congo, Burundi, at Uganda.

Ayon sa ika-47 na ulat ng WHO, ang pinakahuling epidemiological trend sa Africa ng clade Ib monkeypox virus (MPXV) ay patuloy na namamayani at may bagong mga travel-related cases na natukoy sa mga bansang dating hindi nito apektado.

Sa nakalipas na anim na linggo, ang Uganda ay nag-ulat ng pangalawang pinakamataas na bilang ng mga kumpirmadong kaso, na bumubuo ng mahigit sa one third ng lahat ng kumpirmadong kaso na iniulat sa Africa sa panahong ito, na may patuloy na pagtaas sa lingguhang bilang.

Ang Democratic Republic of the Congo ay patuloy na nakakaranas ng mataas na bilang ng mpox, na may sirkulasyon ng parehong clade I MPXV subclades.

Sa kabila ng maraming mga probinsya na nag-uulat ng grabeng trend ng kaso, ang sitwasyon sa bansa ay nananatiling nakakabahala, na may maraming mga lugar na nakakakita ng patuloy na transmission.

Ang pagtaas ng mga insidente ng karahasan sa silangang bahagi ng bansa ay nagdadagdag ng mga hamon para sa pagtugon sa mpox.

Nabatid na ang mga bagong travel-related cases ng mpox dahil sa clade Ib MPXV ay natukoy sa mga bansang dati nang nakapagtukoy ng mga travel-related cases, kabilang ang Thailand at United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland.

Ang United Arab Emirates ay nag-ulat din ng kanilang unang pagkakatuklas ng isang kaso ng mpox dahil sa clade Ib MPXV sa loob ng bansa.