-- Advertisements --

Inihayag ng Department of Health (DOH) na libre ang testing para sa Mpox sa mga government hospitals sa bansa.

Ito ang ginawang pagkumpirma ni Health Secretary Teodoro Herbosa sa ginawang budget deliveration ng ahensya sa House of Representatives.

Sinabi pa ng kalihim na kaniyang hihilingin sa Philhealth na gumawa ng benefit package para sa mpox testing dahil nalalapit ng maubos ang test kits at kailangan pa nilang bumili ng panibagong mga test kits.

Giit ng kalihim na maiiwasan ang mpox virus kung palagian ang paghuhugas ng kamay at iwasan a ng matagalang pagdikit sa mga taong dinapuan ng virus.