-- Advertisements --

Sa kabila nang pinaka-malalang krisis na hinaharap ng Britanya, matutuloy na ang ninanais na snap election ni United Kingdom Prime Minister Boris Johnson sa December 12, 2019.

Umabot ng dalawang buwan ang election request na ito ni Johnson ngunit sa huli ay pumayag na rin ang kapulungan.

“There is only one way to restore the esteem in which our democracy is held and to recover the respect in which Parliament should be held by the people of this country,” ani Johnson.

Sumang-ayon naman dito si Jeremy Corbyn. Aniya, ito na umano ang tamang oras para sa pagbabago na matagal nang gustong makamit ng United Kingdom.

Sa botong 438-20 votes, inapurabahan na ng Members of the Parliament matapos ang napaka habang botohan upang malaman ang eksaktong araw kung kailangan isasagawa ang nasabing botohan.

Bababaan din ang minimum voting age mula 18 hanggang 16 taong gulang.

Sa oras na aprubahan ang mga pagbabagong ito ng House of Lords, madidissolve na ang parlyamento sa susunod na linggo.