-- Advertisements --
Maglalaan ang Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) ng P35-bilyon na kapital ngayong taon para ilang mga proyekto na magpapalakas ng turismo at ekonomiya sa Luzon.
Ayon kay Maria Theresa Wells ang officer in charge ng MPTC unit North Luzon Expressway, na binabaan nila ang kanilang capital expenditure ngayong taon na mula sa dating P50 bilyon noong nakaraang taon.
Ilan sa mga proyekto ay ang pagsisimula na ng construction ng unang bahagi ng NLEX-C5 Northlink na nagkakahalaga ng P2.2-B.
Natitiyak din ng MPTC na ang nasabing mga proyekto ay may malaking benepisyo hindi lamang sa mga motorista at maging sa mga mananakay.