-- Advertisements --

Kinilala ng Forbes bilang highest-earning content creator of 2021 si Jimmy Donaldson o kilala bilang si Mr. Beast.

Ayon sa Forbes, na isa sa kanilang video ay nakapagkamit ng 10 bilyon views at kumita ng $54-M.

Nalagpasan na ng 23-anyos na US content creator ang 10-anyos na toy reviewer na si Ryan Kaji na nasa pang-pitong puwesto na ngayon.

Hawak kasi ni Kaji ang titulo sa loob ng dalawang taon.

Nasa pangalawa sa listahan si Jake Paul habang pasok sa top five naman si Minecraft player Nathan Graham o kilala bilang Unspeakable.

Ayon sa mga experts na dumami ang mga views sa YouTube mula ng magsimula ang pandemiya dahil sa maraming mga pelikula ang nadelay ang pagpapalabas.
Narito ang ilang listahan ng mga pasok sa top 10.

  1. Mr.Beast
    2, Jake Paul na kumita ng $45-M
    3.Markiplier na may kita na $38-M
  2. Rhett and Link na kumita ng $30-M
  3. Unspeakable na may kita na $28.5-M
  4. Nastya- na kumita ng $28-M
  5. Ryan Kaji na may kita na $27-M
    8.Dude Perfect na may kita na $20-M
  6. Logan Paul na kumita ng $18-M.
  7. Preston Arsement na kumita ng $16-M.