-- Advertisements --

Nahigitan na ni Mr. Beast ang T-Series sa may pinakamaraming YouTube subscribers.

Ang Indian music labela ng T-Series ay nag-uupload ng mga trailers at music video ay hawak ang record na may pinakamalaking YouTube channel sa loob ng limang taon.

Tinalo na ito ngayon ng 26-anyos na si Mr. Beast o Jimmy Donaldson sa tunay na buhay na itinuturing na siya bilang individual na may pinakamalaking following.

Umabot na sa 269 milyon subscribers ito na nahigitan ang T-Series.

Laman ng halos 800 videos nito sa YouTube ay ang mga stunts gaya ng paglilibing niya ng buhay ganun din ang pagganap niya ng real-life version ng Squid Game.