-- Advertisements --

Libo-libong katao ang nagtipon-tipon sa mga kalsada ng South Korea upang magpakita ng kanilang suporta para sa bagong itinalagang prime minister ng kanilang bansa.

Ang dating parliamentary speaker na si Chung Sye-kyun o mas kilala bilang “Mr. Smile” ay dating mambabatas at commerce minister ng naturang bansa.

Anim na beses din umano itong binoto bilang “most gentlemanly lawmaker” ng ilang reporters mula sa National Assembly.

Napili ni South Korean President Moon Jae In si Mr. Smile na maging prime minister ng bansa dahil na rin daw sa galling nito makipag-usap hindi lamang sa kaniyang kapwa mambabatas ngunit pati na rin sa publiko.

Nagbunsod ang pagkakatalaga kay Kyun kasunod ng pagbibitiw sa pwesto noong Oktubre ni justice minister Cho Kuk matapos maglabasan ang mga impormasyon hinggil sa academic priveleges na ibinibigay di-umano ng gobyerno sa mga anak nito.