-- Advertisements --

Magkakaroon ngayong araw ng libreng sakay ang Metro Rail Transit 3 at Light Rail Transit 2 o LRT2 para sa lahat ng mga kababaihan bilang pagdiriwang ngayong araw ng Women’s Day.

Ang MRT-3 rides ay magmulua ala-7 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi at ala-5 ng hapon at ala-7 ng gabi.

Habang ang LRT-2 ay may libreng sakay sa mga kababaihan mula ala-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at mula ala-5 ng hapon hanggang ala-7 ng gabi.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Railways and MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino na ang nasabing libreng sakay ay bahagi ng pagkilala at pasasalamat nila sa mga kababaihan.