-- Advertisements --
Balik na ulit ang biyahe ng mga tren ng MRT-3 matapos ang isinagawang Holy Week Maintenance shutdown.
Ibig sabihin lamang nito ay balik na rin ang pamamahagi ng pamunuan ng rail line ng libreng sakay para sa mga pasaerho nito, na tatagal ng hanggang Abril 30, 2022.
Dahil 100 percent na ang pinapayagang passenger capacity ng mga tren ng MRT-3, aabot sa 394 pasahero kada bagon o 1,186 na pasahero kada 3-car train set ang kayang ma-accomodate kada biyahe.
Ang 4-car train set naman ay kayang makapagsakay ng 1,576 na mga pasahero.
Patuloy din ang pagpapaalala sa mga mananakay na ibayong pag-iingat pa rin laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng mahigpit na pagsunod sa mga umiiral na health protocols.