-- Advertisements --

Magpapatupad ng scheduled weekend shutdown ang MRT-3 sa darating na sa November 14 hanggang November 15, at November 28 hanggang November 30,2020.


Ito ang inanunsiyo ng Department of Transporation (DOTr), bilang bahagi ng kanilang massive rehabilitation and maintenance na gagawing sa buong linya ng MRT-3.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, magpapatupad sila ng rail line temporary shutdown sa operasyon ng mga tren sa mga nasabing petsa upang bigyang-daan ang gagawing bushing replacement sa depot at turnout activity sa Taft Avenue station.

Bahagi ng turnout activity na ito ay ang pagsasaayos ng 2A at 2B turnout sections sa Taft Avenue.

Ang mga turnouts ay ginagamit upang makalipat ang isang tren mula sa isang track patungo sa ibang track.


Matatandaang pansamantalang iniurong ang nakatakdang weekend shutdown noong October 31 hanggang Nobyembre 2, 2020 bilang pag-iingat sa pagtama ni Bagyong Rolly sa bansa upang ma-protektahan ang mga manggagawa ng MRT-3 na bahagi ng mga gagawing aktibidad sa mga nasabing petsa.

Parte ng gagawing bushing replacement ng 34.5-kilovolt alternating current (kV AC) switch gear ay ang pagsasaayos ng bus tie na nagbibigay ng supply ng kuryente sa depot mula sa Meralco power source nito sa Balintawak at Diliman, at pagkukumpuni ng isang panel na mayroong 12 bushing unit.

Noong November 2 iniakyat na ng MRT-3 ang train running speed nito sa 50kph mula sa dating 40kph.


Target na maiakyat pa ito sa 60kph sa Disyembre, oras na matapos ang pagsasaayos ng turnouts.