Kinumpirma ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 na nabawasan na ngayon ang mga mahahabang pila sa kanilang mga istasyon tuwing rush hour.
Ayon sa MRT -3 , ito ay matapos na ipatupad ang pagbyahe ng tatlong four-car trains sa kanilang mga linya.
Ipinaliwanag rin ng pamunuan na mas mataas ngayon ang kapasidad ng kanilang four-car trains.
Ito ay may kakayahang magsakay ng nasa 1,576 na pasahero na ibig sabihin ay mas marami na ang kayang i accommodate nito sa isang biyahe.
Nakatulong rin sa pagbabawas ng maraming pila sa kanilang mga istasyon ay ang mas pinabilis na proseso sa pagsasagawa ng baggage checking.
Tiniyak naman ng MRT-3 na magpapatuloy ang kanilang mga hakbang upang patuloy na makapagbigay ng magandang serbisyo sa mga mananakay ng tren.
Palagi namang sinusuri ang bawat tren bago bumiyahe para matiyak ang kaligtasan ng publikong gagamit at sasakay ng kanilang tren.