Naitala ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) ang pinakamataas na bilang ng araw-araw na pasahero sa loob ng mahigit dalawang taon sa 396,345.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang bilang ay naitala noong Biyernes, Enero 20, ay ito na ang pinakamataas na tala mula noong July 1, 2020.
Bago ito, iniulat ng Metro Rail Transit-3 ang pinakamataas na sakay ng 389,036 na pasahero sa linya ng tren, sa kasagsagan ng pagpapatupad ng Free Ride noong buwan ng Hunyo taong 2022.
Ayon sa departamento, ang tagumpay ay maaaring maiugnay sa tamang pagpapanatili at rehabilitasyon ng mga bagon at subsystem ng linya ng pamunuan ng Metro Rail Transit-3 sa kabila ng pandemya ng COVID-19 na lubhang nakaapekto sa mga sakay ng linya ng tren.
Una rito, iginiit pa ng department of transportation na asahan na umano ang patuloy na pagbubutihin ng Metro Rail Transit-3 ang serbisyo nito para mas maraming pasahero na makakaranas ng ligtas, komportable, at maaasahang biyahe sa linya ng mga tren.