-- Advertisements --
image 291

Nakaranas ng bahagyang pagkaantala sa biyahe ng Metro Rail Transit 3 dahil sa problema sa signaling system.

Sa inilabas na advisory, sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na iniulat ng control centers nito ang abnormal status sa signaling sysem ng tren dakong alas-5:16 ng umaga.

Agad namang naayos ng mga personnel ng MRT-3 ang aberya dakong alas5:40 ng umaga kayat nagawang maibalik ang
operasyon sa normal bandang alas-5:42 ng umaga.

Samantala, humingi naman ng paumanhin si MRT-3 officer in charge Jorjette Aquino sa mga apektadong pasahero dahil sa idinulot na abala ng naturang insidente.