Inanunsyo ng Metro Rail Transit Line 3 na pananatilihin muna ng kanilang pamunuan ang kanilang extended operating hours tuwing weekdays hanggang sa hindi tiyak na panahon.
Ayon sa pamunuan ng MRT, matagumpay na naproseso ang two-week pilot test ng extended hours ng kanilang mga operasyon noong marso 24 kung saan napagsi;bihan nila ang kabuuang bilang ng 61,000 na mga pasahero.
Mula sa bilang na ito, 29,530 ang naging benepisyaryo ng bagong polisiya na ito simula noong Marso 24 hanggang 28 habang 31, 474 naman ang naitala noong Marso 31 hanggang Abril 4.
Matatandaan naman na nag-extend ang operasyon ng mga tren ng isang oras tuwing weekdays kung saan mula sa oras ng last trip na 9:30pm ay naging 10:30pm na ang huling biyahe mula sa North Avenue station habang mula sa 10:09pm naman ay naging 11:09 pm na ang huling biyahe mula sa Taft Avenue Station.
Samantala, kasunod nito ay tiniyak ng MRT na magdadagdag din ng tren ang kanilang tanggapan lalo na tuwing rush hour para sa maginahwang transportasyon ng mga mananakay lalo na para maiwasan ang sobrang haba ng pila.