Mas pinaigting pa ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsasagawa ng dissinefections sa bagon ng MRT-3 para hindi na kumalat pa ang virus.
Kasunod ito sa pagtaas ng bilang ng mga personnel ng MRT3 na nadapuan na coronavirus na ngayon ay mayroong 172 na ang kabuuang kaso.
Ayon kay DOTr assistant secretary for communications and commuter affairs Goddes Hope Libiran, 166 dito ay mga depot personnel at anim naman ang station personnel.
Dalawang beses na isinasagawa ang dissenfection habang nakasuot naman ng mga personal protective equipment ang mga personnel para matiyak na walang pasahero at empleyado ang mahawa.
Balik na rin sa normal operation ang MRT-3 matapos na rin ang dalawang araw na suspension para mabigyang daan ang rehabilitation ng kanilang pasilidad.
Paliwanag pa ng opisyal na kaya tumaas ang bilang ng kaso ng nadapuan ng COVID-19 ay dahil sa isinagawang swab testing sa kanilang mga personnel.
Naka-quarantine na rin ang mga nagpositibong personnel ng nasabing ahensiya.