Ngayon pa lamang ay inanunsiyo na ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT 3) na sususpendehin nila ang kanilang operasyon sa Holy Week.
Magsisimula ito sa Abril 6 at magtatagal hanggang sa Abril 9.
Ang tigil operasyon ay para sa annual Holy Week maintenance activities.
Sa advisory ng Department of Transportation-MRT 3, sinabi nitong wala raw operasyon ang rail line simula Holy Thursday hanggang Easter Sunday.
Magbabalik naman ang normal na operasyon sa Abril 10.
Una nang nag-anunsiyo ang LRT-2 ng suspensiyon ng kanilang operasyon mula April 6 hanggang 9.
Sinabi ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na magsasagawa ang mga ito ng maintenance sa mga LRT-2 trains, station facilities at equipment sa apat na araw na shutdown mula Maundy Thursday hanggang Easter Sunday.
Ito ay para masiguro ang reliability at safety ng kanilang sistema.
Iniksian din ang kanilang operating hours sa Holy Wednesday, April 5 at magsasara ang Recto at Antipolo line dakong alas-7:00 ng gabi.