-- Advertisements --

Nilinaw ng pamunuan ng MRT-3 na magtutuloy-tuloy ang pagpapatupad sa pinalawig na operasyon ng kanilang tren.

Ayon sa MRT-3 , mananatili hanggang 10:35 PM ang last trip schedule tuwing weekdays para sa North Avenue Station habang hanggang 11:09 PM sa Taft Avenue Station.

Ang pagpapatupad ng kanilang extended weekday operations ay dahil sa mga naging positibong feedback ng publiko.

Ito ay alinsunod na rin sa naging kautusan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon.

Batay sa datos, umabot sa 61,004 na pasahero ang napagsilbihan matapos na simulan ang pinalawig na operasyon ng kanilang tren.

Maliban sa pinalawig na oras ng operasyon ay magpapatuloy rin ang MRT-3 sa pagdaragdag ng isang tren tuwing rush hour.

Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang mahabang pila at siksikan ng mga pasahero sa ilang istasyon.