-- Advertisements --

Target ng kumpanyang namamahala ng Metro Rail Transit-7 na magiging operational na ito sa susunod na taon.

Nagkaroon na rin sila ng pagpirma ng kasunduan sa national railway ng South Korea para sa maintenance at operasyon ng mass transit system.

Kasama sa kasunduan ang pagtulong nila sa set-up ng MRT-7 core operational systems, safety protocols at maintenance programs.

Ang 22-kilometer na MRT-7 ay magkokonekta sa North Avenue sa Quezon City patungong San Jose del Monte, Bulacan na mayroong 14 na istasyon.

Noong nakaraang taon sinabi ng Department of Transportation na target nilang maging operational ito sa katapusan ng 2025.