-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade ang tuloy-tuloy na konstruksyon ng MRT-7 project.

Ang nasabing proyekto ay makakatulong para mabawasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa bahagi ng Metro Manila.

Kapag naging operational na aniya ang nasabing MRT-7 projects ay magiging 35 minuto na lamang ang biyahe mula North Avenue ng Quezon City hanggang San Jose del Monte, Bulacan.

Sinabi pa ng kalihim na nasa 62.8% na ito kung saan mayroong 14 na station.

Posible sa Abril 2022 ay isasagawa nila ang test run ng mga bagong dating na tren ng MRT-7.

Dagdag pa ng kalihim na umabot pa sa 20 taon bago tuluyang maipatayo ang nasbing proyekto.

Magugunitang noong wala pa aniya ang nasabing proyekto ay aabot sa 2 hanggang tatlong oras ang biyahe ng mga nagtutungo sa San Jose Del Monte Bulacan mula sa North Avenue.