Iminungkahi ni Transportation Secretary Vince Dizon ang posibilidad na pahabain ang operating hours ng Metro Rail Transit Line 3 at Light Rail Transit system upang mas maraming pasahero ang maserbisyuhan.
‘We need to demand longer hours. Of course, the issue is going to be maintenance so I’m going to have to talk to the one who’s maintaining this, and see what’s wrong,’ ani Dizon.
Ibinahagi pa ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Dizon ang kanyang plano na makipag-ugnayan sa mga management at maintenance teams ng mga tren upang pag-usapan ang posibleng pagpapalawig ng oras ng operasyon.
Sa kasalukuyan, ang mga huling biyahe ng LRT-1, LRT-2, at MRT-3 ay karaniwang nagsisimula ng alas-9:00 ng gabi hanggang alas-10:00 ng gabi. Gayunpaman, ang mga serbisyo ay madalas na pinalalawig hanggang hatingabi tuwing kapaskuhan.
Una nang kinondena nang dating kalihim ng DOTr ang pagpapalawig ng operating hours ng LRT at MRT dahil masasakripisyo nito ang maintenance ng mga tren.
Subalit, nais tingnan ng DOTr ang lahat ng opsyon upang mapabuti ang karanasan ng mga pasahero.
‘Why can’t we go until midnight? Let’s see kung kayang midnight. Why can’t we do it until 2am?’ dagdag pa ni Dizon.
Bagamat aminado si Dizon na mahalaga ang wastong maintenance upang maiwasan ang mga aberya, ngunit paglilinaw nito na kailangang hanapin ang tamang balanse ng oras.