Nanawagan si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon sa pamunuan ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) na palawigin ang operasyon ng tren ng isang oras sa gabi.
Ginawa ni Dizon ang pahayag matapos ang kanyang inspeksyon sa light rail system kahapon ng umaga, Marso 17.
Sa kasalukuyan, ang regular na oras ng operasyon ng MRT-3 ay nagsisimula sa unang tren na umaalis mula sa North Avenue station ng 4:36 a.m. tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:37 a.m. tuwing Sabado, at 4:38 a.m. tuwing Linggo.
Habang ang huling tren naman ay umaalis mula sa North Avenue ng 9:30 p.m. araw-araw.
Noong nakaraan, ipinarating ni Dizon ang kanyang pananaw tungkol sa pagpapalawig ng oras nang operasyon ng MRT-3 at mga Light Rail Transit (LRT) systems upang makagaan sa mga commuter.