Magkakansela ng kanilang operasyon para sa Holy Week ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 at Light Rail Transit Line 1 and 2 dahil sa isasagawang annual maintenance activities sa kanilang mga tren.
Sa inilabas na abiso ng MRT3 na ang kanilang mga operasyon ay suspindido simula Huwebes Santo, Abril 17 hanggang Linggo ng Pagkabuhay, Abril 20.
Manunumbalik naman ang normal na mga operasyon nito sa Lunes, Abril 21.
Gayundin ang LRT1 at LRT2 na nagkansela rin ng mga operasyon simula sa Abril 17 hanggang Abril 20 para naman magbigay daan sa testing at inspeksyon ng mga tren bago magbalik sa normal na operasyon sa Lunes.
Samantala, ang mga maintenance at insoection naman na ikakasa ng tanggapan sa kanilang mga tren ay para matiyak na makakapagbigay ng maayos na serbisyo ang kanilang pamunuan sa mga mananakay at masiguro ang kaligtasan ng pagbiyahe ng mga tren.