-- Advertisements --

Nakahanda ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para sa nakatakdang pagbibigay ng libreng sakay sa 400,000 pasahero kada araw na mahigit doble sa kasalukuyang average na bilang ng mga mananakay.

Sa kasalukuyan, ayon kay MRT-3 Officer-in-Charge, General Manager Michael Capati umaabot sa 248,000 hanggang 260,000 pasahero kada araw ang sumasakay sa MRT 3 at pumapalo ang average fare collection ng P2.7 million.

Inaasahan aniya na tataas sa 300,000 hanggang 400,000 kada araw ang average na bilang ng mga pasahero kada araw kapag nagsimula na ang alok na libreng sakay sa lahat ng pasahero ng MRT 3 simula sa Marso 28 hanggang sa Abril 30.

Ayon kay Capati inihahanda na ng MRT 3 ang four car trains na kayang makapagaccommodate ng 1,576 ang kada isa.

Sa unang araw ng libreng sakay, dalawang four-car trains ang ilalaan sa kasagsagan ng peak hours mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at sa hapon 5-7pm.

Inaasahang nasa average ng PHP2.7 million naman ang mawawala sa revenue kada araw ng operation ng MRT3 sa monthlong na libreng sakay subalit palaiwanag ni Capati na ang operational expenses nito ay fully subsidized mula sa PHP7 billion budget sa ilalim ng General Appropriations Act of 2022.

Para makapag-avail ng free rides, kailangan ng mga pasahero na mayroong stored-value Beep card o single-trip card.