-- Advertisements --

Nagdesisyon ang Miss Grand International Organization na bawiin ang titulong 2nd runner-up Miss Grand International 2024 mula kay Miss Grand Myanmar.

Ang kinatawan ng Myanmar na si Ms. Thae Su Nyein ay sinasabing nagpakita ng hindi kanais-nais na pag-uugali.

Sinasabing ang naging pagkilos umano nito aylumabag sa ilang mga regulasyon ng kanilang organisasyon.

Inilabas ang anunsyo mula sa Miss Grand International para sa kabatiran ng publiko.