-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Tiniyak ng reigning Miss Grand Philippines 2023 na si Nikki Advincula De Moura na gagawin ang lahat para makuha ang inaasam-asam na pinakaunang korona para sa Pilipinas sa sasalihan na Miss Grand International sa Vietnam sa darating na Oktubre nitong taon.

Ito ang ipinaabot na mensahe na kahandaan ng Filipina-Brazilian blooded beauty queen na tubong Cagayan de Oro City nang humarap sa kanyang kababayan mula sa ilang oras na homecoming motorcade sa pangunahing mga lansangan ng syudad kahapon.

Sinabi ng 19 year old Cagayan de Oro beauty na tanging pokus nito ay ang paghahanda sa MGI competition.

Muling pagbanggit ni Nikki na mayroon pa itong sapat na panahon upang mas mapaghandaan ang gagawing representasyon nito para sa Pilipinas.

Magugunitang simula nang sumali ang Pilipinas sa MGI halos 10 taon ang nakakalipas,hanggang 1st runner up lamang ang nakamit nito at hindi pa nakuha ang mailap na korona.