KALIBO, Aklan—Muling bumalik sa isla ng Boracay sa ika-apat na pagkakataon ang international cruise ship na MS Norwegian Sky sakay ang nasa 2,000 na mga dayuhang turista at crew members.
Sinalubong ng masigla at masigabong Ati-Atihan tribe ang mga bisita kung saan, nanatili ang mga ito ng ilang oras sa isla.
Hindi sila umaksaya ng oras at kaagad na namasyal kung saan, isa sa mga naging destinasyon nila ay ang Living Museaum na matatagpuan sa Barangay Motag.
Karamihan sa mga dayuhang turista ay mga retiree at hindi nangimi ang mga ito na pumunta sa mga palayan at ang ilan ay sumakay pa sa kalabaw.
Kung matataandaan, nauna nang bumisita ang nasabing cruise ship sa isla noong Enero 16, 18, at 31, 2025
Kaugnay nito, sinabi ni Kathrine Licerio, tagapagsalita ng Malay Tourism Office na asahan pa ang maraming international cruise vessel na dadaong sa isla ng Boracay.
Patunay aniya ito na hindi nawawala sa iterinary ng mga dayuhang turista na mapuntahan ang Boracay.
Samantala, nakatala ang kanilang tanggapan ng kabuuang 92,254 tourist arrival mula Pebrero 1-15, 2025.
Sa nasabing bilang, 65,230 ang domestic tourist; 2,119 ang mga overseas Filipino’s at 24,905 naman ang mga foreign tourist.
Sa kasalukuyan ay patuloy ang pagbuhos ng mga turista sa Boracay.