-- Advertisements --
miss south africa

Inanunsiyo ng Miss South Africa (Miss SA) Organisation na itutuloy pa rin nila ngayong taon ang pagpili pero sa ilalim na ito ng bagong competition format.

Liban dito, inilunsad din ng grupo ang bagong logo sa gitna na rin ng COVID-19 pandemic.

Gayunman kung magpapatuloy daw na paiiralin sa kanilang bansa ang batas sa mahigpit na social distancing posibleng tapusin na lamang ang duties ng kasalukuyang Miss SA.

“Covid-19 and the effects of lockdown have challenged the organisation in many ways, but we have used this time as a tool to think outside of the box and be as innovative as possible. We can confirm there will be a Miss SA 2020. We are excited about showcasing the new format and will make announcements on this very soon,” ani Stephanie Weil, ang CEO ng Miss SA Organisation, sa statement.

Kamakailan lamang ay pinasinayaan din ng Organisation sa kanilang social media accounts ang bagong logo na may tagline na “Face Your Power. Embrace Your Future”.