-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Mas pinagtibay pa ang Kampilan Multi Sector Advisory Board o MSAB sa isinagawang 31st Quarterly Meeting sa Headquarters ng 6th Infantry Division sa unang araw ng Setyembre taong kasalukuyan.

Ang nasabing pagpupulong ay may temang “Sustaining Transformation Beyond Challenging Situation”.

Kasama ang mga myembro ng MSAB na pinanguhanan ni Dra. Susana Salvador Anayatin na syang Chairperson at Major General Roy Galido ang Commander ng Joint Task Force Central at 6ID.

Napag-usapan ng MSAB ang mga updates sa Normalization and Decommissioning at naging agenda ang mga tungkulin ng Ministry of Public Order and Security at ang matatag na kaugnayan nito sa 6ID.

Ang MSAB ay regular na nagsasagawa ng mga quarterly meeting at nagbibigay ng gabay sa 6ID para makamit ang Army Transformation Roadmap.

Samantala, nakamit naman ng 37th Infantry Battalion, 6ID ang Institutionalized Status nito sa Army Governance Pathway (AGP) Gold Trailblazer Award.

Si MGen Galido ang nag-gawad ng plaque of recognition sa 37IB na tinanggap ni Lt. Col. John Paul Baldomar, Battalion Commander kung saan ang final AGP rating ay 98.18%.

Naipinamalas ng 37IB ang genuine transformation and reform gaya ng ipinakikita ng huwarang pag-unlad nito sa governance at strategy management.

Nilalayon ng AGP na tulungang ma-institutionalize ang Performance Governance System upang matiyak na ang Army Transformation Roadmap (ATR), isang army transformation strategy at programa na nagtataguyod ng kultura sa performance-based good governance ay tunay na makakamit.

Binubuo ito ng apat na yugto, Initiated Stage, Compliant Stage, Proficient Stage at Institutionalized Stage.