Hinimok ng Department of Trade and Industry ang mga Micro, Small, and Medium Enterprises sa bansa na ugaliing itala ang kanilang produkto sa Intellectual Property Office.
Layon ng hakbang na ito na hindi angkinin ng iba ang kanilang talento at kaalaman sa pagbuo ng kanilang mga imbensyon.
Sa isang pahayag , sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual, bilang isang Micro, Small, and Medium Enterprises member ay napaka importante na rehistrado ang kanilang produkto .
Uso kasi aniya ngayong panahon ang pamemeke ng mga produkto at kalat na sa mga merkado sa Pilipinas.
Lagi rin aniyang handa ang ahensya sa pakikipagtulungan sa mga Micro, Small, and Medium Enterprises member para tuluyan na nilang maangkin ang kanilang gawa.
Tiniyak naman ni Pascual na lalo pa nilang pagtitibayin ang kanilang mga hakbang upang masupil ang mga pekeng produkto at ang mga nagpapatakbo nito.