-- Advertisements --

Balak ngayon ng Department of Agriculture (DA) na ibaba na sa ₱45/kilo ang maximum suggested retail price ng mga imported premium price sa mga pamilihan sa katapusan ng Marso.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nararamdaman ngayon ang pagbaba ng nga world prices at ang paglakas ng piso kaya naman inaasahanng departamento na magtutuloy-tuloy ito.

Paliwanag ng kalihim kung magpapatuloy ang pagbaba ng presyo ng mga world prices, maaari nang ibaba pa sa mas mababa sa kasalukuyang ₱49/kilo ang presyo ng mga imported premium price sa mga pamilihan.

Samantala, inanunsyo naman ng kalihim na dahil dito, mas posible na ang pagbaba ng mga presyo ng bigas sa ₱45/kilo bilang itatalagang maximum suggested retail price ng mga ito pagdating ng Marso 31.

Sa ngayon ay nagpapatuloy naman ang pagarangkada ng distribusyon ng mga buffer stock mula sa National Food Authority bilang bahagi pa rin ng pagaanunsyo ng food security emergency for rice.