CENTRAL MINDANAO-Higit P5-Million na halaga ng cash assistance ang ipinamahagi ng Ministry of Social Services and Development (MSSD-BARMM) para sa mga benepisyaryo mula sa 63 barangay ng probinsya ng Cotabato na sakop na ng rehiyon.
Ayon kay 63 Barangay Administrator at Cotabato 1st Distrcit Board Member Mohamad ‘Kelly’ Antao, bawat barangay ay mayroong anim na benepisyaryo na tumanggap ng tig-P15,000.
Ito ay tulong bilang panimula sa kanilang ipapatayong maliliit na negosyo.
Ani BM Antao, dumaan sa masusing screening sa kanilang mga barangay ang mga benepisyaryong tumanggap ng tulong mula sa Bangsamoro Government upang masiguro na sila ay nararapat na matulungan.
Laking pasasalamat naman ng mga benepisyaryo sa tulong na kanilang natanggap.
Ang pamamahagi ng cash assistance ay ginanap sa 63 Barangay Admin Office sa Brgy. Sadaan, Midsayap, Cotabato.