KALIBO, Aklan—Umaapela ngayong ng tulong ang tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO)-Malay, Aklan na mapauwi sa kanilang lugar ang mga badjao na namamalimos sa isla ng Boracay.
Ayon kay MSWDO OIC Jessica Candolita, muling naglipana ang mga badjao kung saan, partikular na makikita ang mga ito sa front beach at sa mga kalsada sa isla na namamalimos sa mga turistang dumadaan.
Aniya, hindi nila kayang ipunin ang mga pakalat-kalat na mga bajao kaya umaapela na sila ng tulong sa tanggapan ng alkalde, sa iba pang law enforcers, barangay at stakeholders upang maibalik ang mga ito sa kanilang pinanggalingan.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Candolita ang publiko lalong lalo na ang mga turista na huwag bigyan ng kahit kunting barya ang mga namamalimos dahil paulit-ulit nila itong gagawin.
Nabatid na ilang grupo ng badjao ang napauwi ng Malay PNP noong nakaraang taon dahil mahigpit na ipinagbabawal sa nasabing isla ang mga namamalimos.