-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sa unang pagkakataon dinala ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa mga barangay sa Midsayap Cotabato ang serbisyo para sa taumbayan.

Una sa Barangay Sadaan at ngayong araw sa Upper Bulanan sa bayan ng Midsayap.

Layunin nitong maipaabot ang mga mahahalagang serbisyo ng Local Government Unit (LGU-Midsayap) sa ibat-ibang sektor sa barangay.

Ayon kay Midsayap Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO)Officer Karl Ballentes layunin nilang mailapit ang programa ng mga basic services sa mamamayan.

“Gawing abot kamay ang serbisyo para sa lahat, dagdag ni Ballentes”.

Marami mang nagbago dahil sa new normal dulot ng Covid 19 na pandemic, patuloy ang adhikain na mapalago at maitaguyod ang integridad ng serbisyo sa publiko sa pamamagitan ng libre at abot kamay ng taumbayan.

Ang MSWDO sa Barangay ay magtatampok ng ibat-ibang serbisyo at programa sa mga barangay gaya ng;

  1. Releasing of Assistance and Incentive for the Development of the Elderly
  2. Feeding Program for Malnourished Children
  3. Distribution of vitamins for pregnant women
  4. Organizing of Person with Dreams (PWDs) Sector
  5. Person with Dreams ID application and Releasing

Organizing Kalipunan Ng Liping Pilipina (KALIPI) Orientation and Organization

  1. Pag-asa Youth Association Philippines Organization
  2. Story telling sa Mobile Library
  3. Distribution of hygiene kits and learning kits para sa mga Day Care learners
  4. Pre- Marriage Orientation and Counseling
  5. 4Ps Help desk
  6. Philhealth ng Masa
  7. Assistance in Crisis Situation
  8. Senior Citizen Renewal of ID
  9. Solo Parents Orientation and Organization
  10. Free counseling and advice

Sa pagbubukas ng programa nakasama ng mga taga barangay Sadaan si Mayor Romeo Araña na nagpasalamat sa kanilang presensya at suporta ng mga mamamayan sa pagtanggap sa mga serbisyo ng Municipal Social Welfare and Development Office.

Nagpahayag din ng suporta sina Konsehal Tweety Araña at Konsehal Clai-Clai Ostique.

Bahagi ito ng Life and Service Month Celebration ng Municipal Social Welfare and Development Office na may temang Integridad at Dekalidad na Serbisyo sa Panahon ng Pandemya.