-- Advertisements --
Pansamantalang isasara muna sa publiko ang itinuturing na highest-mountain sa Pilipinas na Mt. Apo na matatagpuan sa Davao del Sur sa loob ng 2 buwan simula ngayong araw, Hunyo 1 hanggang Agosto 31 ng kasalukuyang taon.
Sa inilabas na abiso ngayong araw, sinabi ng Tourism Development and Culture Promotions Office ng probinsiya na ang pagsasara ay dahil sa taunang rehabilitasyon ng lugar.
Humingi naman ng pang-unawa ang Tourism office ng pamahalaang panlalawigan at nagpasalamat sa commitmebnt ng publiko para sa conservation ng Mt. Apo.
Nauna ng sinuspendi ang trekking at camping activities sa natural park hanggang noong Abril 30 dahil sa banta ng wildfires mula sa El Nino phenomenon.