-- Advertisements --
Muling nagbuga ng abo ang Kanlaon volcano nitong mga nakalipas na oras, batay sa monitoring ng Phivolcs.
Dalawang pagkakataon umano itong nangyari sa nakalipas na 24 na oras.
Pinakahuli ang nai-record kaninang umaga, kung saan may Sulfur Dioxide Flux ito na nasa 4,900 tonelada.
Habang ang steaming plume ay nasa 750 metro ang taas na isang malakas na pagsingaw.
Napadpad iyon sa hilagang-silangan ng Negros Island.
Mayroon ding ground deformation ang bulkan kaya inaasahan pa ang patuloy na mga aktibidad.
Una na ring na-monitor ang 14 volcanic earthquakes sa nasabing bulkan na isa sa mga pinaka-aktibo sa ating bansa.