-- Advertisements --
Muling nagbuga ng abo ang Kanlaon Volcano ngayong araw.
Ayon sa data ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ito kaninang alas-4:11 ng madaling araw.
Patungo umano sa kanluran ang direksyon ng hangin kaya pinag-iingat ang mga residente ng La Castellana sa Negros Occidental.
Sa ngayon ay nananatili ang bulkan sa Alert Level 3 at mapanganib ang pagpasok sa 6-kilometers permanent danger zone.
Regular na ring naglalabas ng mga abiso ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang alerto para sa ibayong pag-iingat.
Habang personal na nakikipag-ugnayan ang mga lokal na pamahalaan sa mga barangay officials para sa angkop na aksyon at distribusyon ng tulong.