Nakapagtala ng limang beses na pagbuga ng abo ang bulkang Kanlaon at 12 quakes sa nakalipas na 24 oras.
Base sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nagtagal ang ash emissions nang 56 minutes.
Nagbuga din ito ng aabot sa 4,114.9 tonelada ng asupre sa loob ng isang araw nitong Martes ng madaling araw, Enero 21.
Naobserbahan din ang 300 metrong taas ng plume, mula sa katamtaman, na napadpad sa timog-kanlurang direksiyon.
Nananatili naman ang pamamaga ng bulkan kung kaya’t patuloy itong itinataas sa alert level 3.
Kaugnay nito, patuloy na inaabisuhan ang mga residente na malapit sa bulkan sa Negros Island na manatiling alerto gayundin ipinapayo ang paglikas sa mga nakapaloob sa 6-kilometer radius mula sa tuktok ng bulkan at ipinagbabawal naman ang pagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid sa tuktok ng bulkan dahil sa banta ng biglaang pagsabog nito.