-- Advertisements --

Muling nagbuga muli ng abo ang Bulkang Kanlaon ngayong araw, Enero 25, 2025.

Ayon sa Phivolcs, naitala ito bandang alas-10:48 ng umaga hanggang alas-11:15 ng umaga.

Ang usok ay umabot sa 200-850 metro mula sa tuktok ng bunganga ng bulkan bago ito tinangay ng hangin patungong kanluran at timog-kanlurang direksyon, ayon sa KVO-CC Observatory sa lungsod ng Canlaon.

Naiulat naman ang ashfall sa Brgy. Yubo, La Carlota City, Negros Occidental.

Kaugnay nito, pinag-iingat ang mga residente sa maaring pagpatak ng abo na ibinuga ng bulkan.

Ayon sa Phivolcs, nananatiling nakataas sa Alert Level 3 ang bulkan at posibleng maitaas pa sa Alert Level 4 dahil sa aktibidad nito.